Red tide, ibinabala ng BFAR sa Western Samar

Courtesy: BFAR Facebook page

Ipinagbabawal ng Bureau of Fisheries and Acquatic Resources ang pagkain sa mga shellfish na galing ng Irong Irong Bay sa Western Samar.

Ito ay dahil sa positibo sa red tide ang Irong Irong Bay.

Partikular na ipinagbabawal ng BFAR ang pagkain ng lahat ng uri ng shellfish at alamang.

Gayunman, sinabi ng BFAR na ligtas namang kainin ang isda, pusit, hipon, alimango basta’t siguraduhing sariwa at huhugasang mabuti at tatanggalin ang hasang.

Read more...