Sa nasabing bilang, nasa 28 ang Indonesians, 26 Pakistanis, 21 Malaysians, 4 Arabs, 3 Bangladeshi, isang Singaporean-Indian, isang Singaporean at lima na hindi pa matiyak ang nationality.
Sa nasabing report na inilabas ng Kyodo News, tatlong entry points ang dinanaan ng mga hinihinalang foreign terrorist para makapasok sa bansa.
Isa sa mga tinukoy ay ang hilagang bahagi ng Sulawesi sa Indonesia mula sa Tahuna sa Sangir Besar patungo sa Sarangani province.
Maaaring ginamit din ng mga ito ang Sandakan sa Borneo papuntang Tawi-Tawi, Zamboanga at sa Palawan.
Ayon pa sa intelligence report, aabot pa sa 250 hanggang 300 na miyembro ng Maute group kasama ang ilang mga dayuhang terorista ang nanatili sa Marawi city.
Gayunman, itinanggi ng Armed Forces of the Philippines ang nasabing report at iginiit na nasa 90 hanggang 100 lamang ang mga naiwang Maute terrorist na lumalaban sa Marawi.