Sa pagtaya ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, malaki ang naitulong ng deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte para pigilan ang ekstremistang grupo na magtatag ng isang “wilayat” sa Mindanao.
Naniniwala naman si Eastern Mindanao Command deputy commander at Mindanao Martial Law Spokesperson Brig. Gen. Gilbert Gapay na napigilan nilang magkaroon ng spillover sa ibang lugar ang nangyayaring gulo sa Marawi City.
Tinukoy ni Gapay ang kabi-kabilang checkpoints at ang ipinatutupad na curfew bilang bahagi ng Martial Law.
Walang napaulat na pag-abuso at paglabag sa karapatang-pantao, ayon pa kay Gapay.
Pagtitiyak din ni Gapay na sisikapin pa rin nila ang seguridad at ang kaligtasan ng marami sa pagpasok ng ikalawang buwan ng Martial Law sa Mindanao.