Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, pinaghahandaan na ng administrasyon ang isang multi-year reconstruction plan.
Hinai bababa sa P10 bilyon ang magmumula sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR), habang ang iba pang pondo ay magmumula sa national budget ayon aniya kay Budget Sec. Benjamin Diokno.
Isang multi-agency task force din aniya ang bubuuin ng pamahalaan para siyasatin ang sitwasyon sa Marawi.
Paliwanag pa ni Abella, ang mga pondong magmumula sa PAGCOR ay gagamitin para sa presidential financial assistance, habang sa social welfare assistance naman gagamitin ang pondong huhugutin sa national budget.
Maari din aniyang magbukas ng loan facilities ang Land Bank of the Philippines at Development of the Philippines para sa mga negosyante sa Marawi.
Para naman aniya sa mga pamilya ng mga sundalo at pulis na nasawi, magbibigay ng pabahay ang pamahalaan sa pamamagitan ng National Housing Authority.
Sasagutin din ng pamahalaan ang pag-aaral ng hanggang sa dalawang anak ng mga sundalo at pulis na nasawi sa Marawi.
Sa ngayon ay nagpadala na ang Armed Forces of the Philippines ng military engineers at mga kagamitan para sa rehabilitasyon ng Marawi, alinsunod na rin sa utos ni AFO chief Gen. Eduardo Año.