1 pulis, 3 NPA patay sa engkwentro sa Davao Del Norte

Apat ang patay sa pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa isang police outpost sa Panabo City, Davao Del Note.

Kabilang sa nasawi ang isang pulis na tinamaan ng bala mula sa sniper, at tatlong miyembro ng NPA.

Ayon kay Senior Insp. Catherine dela Rey, tagapagsalita ng Southern Mindanao regional police, Biyernes ng umaga nang tangkain ng mga rebelde na pasukin ang patrol base ng Davao del Norte provincial public safety company (DNPPSC) sa Barangay Malitbog.

Pero pinaputukan sila ng mga pulis na nagbabantay sa outpost dahilan para umatras ang mga kalaban.

Sa isinagawang pursuit operations ng joint police-army team napatay ang tatlong rebelde.

Pero ayon kay Dela Rey, isang oras matapos ang pag-atake, binarily ng gunman ng NPA si SPO1 Niño Moreñ na agad ikinasawi nito.

 

 

Read more...