11 ang patay sa car bomb sa Pakistan

AP PHOTO/ARSHAD BUTT

Nasa labingisang katao ang nasawi kabilang ang isang pulis matapos ang pagsabog ng car bomb sa labas lamang ng tanggapan ng pulisya sa Quetta, Pakistan.

Hinarang sa police checkpoint ang sasakyan nang ito ay pinasabog.

Maliban sa mga nasawi, mayroong 21 pa ang nasugatan sa insidente.

Kinondena naman ni Pakistani Prime Minister Muhammad Nawaz Sharif ang pag-atake.

Nakalulungkot aniyang tinatarget ng mga terorista ang mga sibilyan ngayon pang panahon ng Ramadan.

 

 

Read more...