Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni B/Gen. Gilbert Gapay, tagapagsalita ng Eastern Mindanao martial law implementation, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa mga sibilyan na nakita raw nila na patay na si Omar.
Bukod dito, sinabi ni Gapay na beneberika rin nila ang impormasyon na kasamang napatay si Mahmoud Amad na isang Malaysian terrorist.
Sinabi ni Gapay,hindi pa nila mabatid kung sa mga luma o bagong oeprasyon ng military napatay si Omar.
Gayunman, sinabi ni Gapay na base sa kanilang impormasyon na natatanggap sa grounds, buhay pa umano ang kapatid ni Omar na si Abdullah Maute.
Ang magkapatid na Maute ang pasimuno ng kaguluhan sa Marawi.