Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, ang five-year-valid license cards ay ipamamahagi sa nasa 3 milyong drivers na nag-apply o mag-renew ng lisensya nila mula pa noong October 17, 2016.
Sa ngayon iniimprenta na ng LTO ang mga lisensya na gawa sa polycarbonate plastic at mas may pinaigting na security features.
Noong April 13, iginawad ng DOTr ang P830-million na halaga para sa pagbili ng five-year license cards sa DERMALOG Identification Systems-CFP Strategic Transaction advisors-NEXTIX Inc. consortium.
Sasapat ang suplay hanggang sa 2018 ayon sa LTO.
Samantala, pinag-aaralan na rin ng LTO na magbuo ng online applications para sa mga driver na walang violations o citations.