Dating Senador Bong Revilla, nakalabas na ng ospital

INQUIRER FILE PHOTO/RAFFY LERMA

Nakalabas na ng ospital si dating Senador Bong Revilla matapos ma-confine noong Martes dahil sa alta presyon.

Mula St. Luke’s Global City sa Taguig ay nakabalik na sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Cang dating senador.

Habang nasa ospital ay isinailalim si Revilla mga medical at laboratory examinations.

Dahil sa pagtaas ng presyon, hindi nakasipot si Revilla sa unang pagdinig ng kinakaharap niyang kasong plunder sa Sandiganbayan noong Huwebes.

Ang mga trial sa kasong plunder ni Revilla ay gagawin ng Sandiganbayan linggu-linggo tuwing araw ng Huwebes.

 

 

 

 

Read more...