Carpet bombing sa Marawi City, hindi kayang gawin ng pwersa ng pamahalaan

AP File Photo | Bullit Marquez

Walang kakayahan ang Pilipinas na magsagawa ng carpet bombing sa Marawi City.

Kaugnay ito ng pagnanais ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyan nang durugin ang Maute group sa Marawi City.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Armed Forces of the Philippines spokesman B/Gen. Restituto Padilla na walang kakahayan ang sandatahang lakas ng Pilipinas na magsagawa ang ganito kalawak na pambobomba.

Marahil ayon kaky Padilla, ang nais pakahulugan ng pangulo ay ang pagsasagawa ng tuloy-tuloy at magkakasunod na pagbomba sa kalaban.

Samantala, kasabay ng ika-isang buwang pagdedeklara ng martial law sa Mindanao region ngayong araw, aminado ang AFP na maaring matagalan pa ang giyera sa Marawi City sa pagitan ng tropa ng pamahaalan at Maute group.

Ayon kay Padilla, na hindi basta-basta ang kalaban ng pwersa ng pamahalaan sa lungsod ng Marawi.

Paliwanag ni Padilla na napaka-complex ng sitwasyon lalo’t urban terrain ang Marawi City.

Giit ni Padilla, kinakailangan din kasi na ikunsidera ang kapakanan ng mga sibilyan na naiipit sa bakbakan.

Kinakailangan din aniya na maging maingat ang tropa ng militar sa clearing operations dahil sa dami ng mga nakatanim na bomba o improvised explosive device.

Kung ikukumpara aniya ang narranasang giyera sa Marawi sa Syria, Libya at Iraq, ‘di hamak na mas maiksing panahon ang naranasang hirap dito sa Pilipinas.

Pero pagtitiyak ni Padilla, tutuparin ng militar ang kanilang pangako na lilinisin ang marawi sa mga terorista at ibabalik ang kapayapaan at katahimikan sa naturang lugar.

 

 

 

 

Read more...