Biyahe ng MRT nagka-aberya

Muling nakaranas ng aberya ang mga pasahero ng MRT, Biyernes ng umaga.

Sa abiso ng MRT sa kanilang twitter account, alas 10:20 ng umaga nang pababain ang mga pasahero sa Cubao Station southbound.

Nakaranas umano ng technical problem ang sinasakyan nilang tren habang binabaybay ang pagitan ng Kamuning at Cubao stations.

Noong Huwebes, June 22, tatlong beses na nakaranas ng aberya sa biyahe ng MRT.

 

Read more...