Ito ay kaugnay ng nagpapatuloy na diplomatic row sa pagitan ng mga Arab nations at ng Qatar.
Sa report ng Associated Press, ang Kuwait ang nagpabatid sa Qatar ng listahan ng demand ng Saudi Arabia.
Kabilang sa demand ay ang pagsasara ng Al-Jazeera at military base ng Turkey na nasa Qatar.
Nais din ng Saudi Arabia na putulin ng Qatar ang diplomatic ties nito sa Iran.
Binigyan lang ng Saudi Arabia ang Qatar ng sampung araw para tumugon sa nasabing mga demand.
Magugunitang pinutol ng mga bansang Saudi Arabia, Egypt, United Arab Emirates at Bahrain ang ugnayan sa Qatar sa bintang na sinusuportahan umano nito ang terorismo.
Namagitan naman sa nasabing mga bansa ang Estados Unidos at hinikayat ang Arab nations na bumuo ng list of demands upang maayos na ang sigalot.