Commander ng al-Qaida, patay sa airstrike ng US sa Yemen

Nasawi sa isinagawang airstrike ng Estados Unidos sa Yemen ang isang mataas na opisyal ng al-Qaida at dalawa niyang tagasunod.

Ayon sa U.S. Central Command, dahil sa isinagawang strike sa Shabwa province, napatay si Abu Khattab al Awlaqi, na siyang emir ng al-Qaida sa Arabian Peninsula.

Si al Awlaqi ang namumuno umano ng mga pag-atake laban sa mga sibilyan sa Yemen.

Nakapagsagawa na ng 80 airstrikes ang U.S. military ngayong taon, target ang al-Qaida Arabian Peninsula (AQAP).

Ang AQAP ay itinuturing ng U.S na isa sa pinakamapanganib nab anta ng terorismo sa Amerika.

 

 

Read more...