Sa pagbubunyag ni Sen. Antonio Trillanes, kinumpirma nito na ang PDS ay sinimulang buuin pagkapanalo ni PRRD sa election noong May 2016 na binubuo ng mga aktibong opisyal.
Kasapi rin ngayon ng PNP na may natatanggap na reward sa kada indibiduwal na kanilang papatayin.
Ayon pa sa senador, umaabot umano ng isang milyon ang reward kapag mayor o alkalde at mataas na opisyal ang mapapatay na drug suspect habang may nakalaan naman na 10 libong piso kung ordinaryong indibidwal ang mapapatay ng PDS.
Dagdag pa ni Trillanes, pinapangunahan ang PDS ng isang Supt. Leonardo na miyembro ng PNPA Class 96.
Ayon kay Trillanes, ang nabanggit na grupo ang nagsasagawa ng extra judicial killings o EJK sa buong bansa at miyembro din nito sina Supt. Marcos at mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr.
Si Supt. Leonardo umano ang point person ng PDS na dumidirekta kay Pangulong Duterte at umano ay malapit sa anak ng pangulo na si Davao Vice Mayor Paolo Duterte.