Pagpapakalat ng ‘fake news’ maituturing na kasalanan-CBCP

 

Maging ang Simbahang Katolika ay nakikiisa na rin sa panawagang mahinto na ang pagpapakalat ng mga pekeng balita o ‘fake news’ sa social media.

Ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) maikukunsiderang kasalanan laban sa charity ang pagpapakalat ng mga fake news.

Sa kanilang inilabas na Pastoral Exhoration against Fake News, isinasaad na hindi dapat nakikilahok sa papapakalat ng mga mali o pekeng impormasyon ang isang Kristiyano.

May ilang pagkakataon rin aniya na nagiging dahilan pa ng maling pagdedesisyon sa buhay ng isang tao ang mga nababasa nitong fake news.

Payo ng CBCP sa mga Katoliko, iwasang magbasa ng mga balita mula sa mga hindi kilalang ‘source’ upang hindi na makakuha pa ng ‘audience’ ang mga ito.

Hindi na rin dapat aniyang isini-share ang mga naturang fake news upang hindi na kumalat sa social media.

Read more...