Isang milyong pisong halaga ng droga, nasabat sa 2 drug suspects sa QC

 

Dalawang lalake ang naaresto ng mga kagawad ng Quezon City police Drug Enforcement Unit sa isang buy bust operation sa Mindanao Ave., sa Quezon City kagabi.

Kinilala ni QCPD police Director, Chief Supt. Guillermo Eleazar ang mga suspek na sina Gladwin Balaguer at Joel Taruc.

Base sa inisyal na impormasyon ang suspek na si Balaguer ay umamin na dating kawani ng DOTC.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang mahigit na 200 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng isang milyong piso.

Ang dalawa ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) at Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) sa ilalim ng Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...