Kabilang sa kinasuhan ay ang Armel Plastic Co., Marina Seafoods, Ski Construction Group Inc., at ang GMC Construction and Development Corp. o GMC.
Ayon sa BIR, sa kanila ng paulit-ulit na abiso ay nabigo ang mga naturang kumpanya na bayaran ang kanilang obligasyon sa gobyerno.
Batay sa records ng BIR, kabuuang P45.6-Million na tax liability ang hinahabol nila sa kumpanyang Armel na may interest sa buy and sell ng plastic products. Ang nasabing bayarin ay kumakatawan para sa taong 2010.
Bigo naman ang Marina Seafoods na magbayad ng P16.42-Million na buwis para sa taong 2012.
Lumobo din sa P21.9-Million ang hindi nabayarang buwis ng Ski Construction Group dahil sa hindi nito pagbabayad ng tax noong 2004.
Pinakamalaki naman ang hinahabol na buwis ng BIR sa GMC na aabot sa P191-Million para sa taxable year 2008 at 2009.