Naantala ang paglipad ng eroplano ng Cebu Pacific mula Riyadh, Saudi Arabia patungo ng Maynila dahil umano sa technical problem.
Base sa abiso ng Cebu Pacific, ang flight 5J741 ay isinailalim sa maintenance inspection.
Ang orihinal sanang schedule ng alis sa Riyadh ng nasabing eroplano ay 5:45AM oras sa Pilipinas at dapat ay makakarating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng alas 3:35 ng hapon.
Pero dahil sa problema, mamayang alas 11:30 na ng gabi, oras sa Pilipinas ang alis ng naturang eroplano sa Riyadh at bukas na ng alas 9:20 ng umaga makakalapag sa NAIA.
Humingi naman ng dispensa ang Cebu Pacific kasabay ng pagsasabing ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero ang pangunahing nilang prayoridad.
“The flight was scheduled to depart today, June 22, 2017 at 12:45 AM [5:45AM Manila time], and was expected to arrive Manila at 3:35PM today [10:35AM Riyadh time]. The new estimated time of departure from Riyadh is at 6:30PM [11:30PM Manila time], with estimated time of arrival in Manila at 9:20AM, on June 23, 2017. We regret any inconvenience this incident may have caused. The safety of our passengers will always remain our top priority,” ayon sa abiso.
Nangako naman silang maglalabas ng panibagong mga impormasyon oras na magkaroon ng development ang sitwasyon.