Kapatid na babae ng Maute Brothers, 2 iba pa, isinailalim na sa inquest

Isinailalim na sa inquest proceedings ang naarestong babaeng kapatid ng Maute Brothers at dalawang iba pa.

Isinagawa ang inquest sa Camp Evangelista sa Cagayan de Oro City.

Ang mga suspek na nakilalang sina Aljadid Pangompig Romato alyas Hadid, Farida Pangompig Romato at Abdulrahman Serad Dimakatuh ay pawang nahaharap sa kasong rebelyon.

Naaresto ang tatlo habang sakay ng barkong M/V St. Therese of the Child Jesus sa Iloilo at patungo na sana ng Maynila.

Ayon kay Justice Undersecretary Erickson Balmes, matapos ang inquest proceedings ay kaagad na magdedesisyon ang piskalya kung ipaghaharap ng kaso ang mga suspek sa korte.

 

 

 

Read more...