Pitong sasakyan, nagkarambola sa NLEX

Nagdulot ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko ang aksidente naganap sa bahagi ng Camachile southbound sa North Luzon Expressway (NLEX).

Dalawang lanes kasi ng NLEX southbound ang hindi nadaanan ng mga motorista bunsod ng nasabing aksidente sangkot ang pitong sasakyan.

Ang mga apektadong motorista, pinayuhan pansamantala na dumaan muna sa Mindanao exit.

Alas 7:55 naganap ang aksidente, pero pasado alas 9:00 ng umaga ay masikip pa rin ang daloy ng traffic sa lugar.

Iniimbestigahan naman kung ano ang pinagmulan ng naganap na aksidente.

 

 

 

 

Read more...