Ilang flights, kanselado dahil sa sama ng panahon

Kanselado ngayong araw ang dalawang domestic flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado na ang biyahe ng Cebu Pacific na flight 5J 771 Manila to Pagadian at ang flight 5J 772 Pagadian to Manila.

Sinabi ng MIAA na ito ay dahil sa masamang panahon.

Ayon sa MIAA, ang mga apektadong pasahero, maaring makipag-ugnayan sa Cebu Pacific para sa refund o rebooking.

Sa weather forecast ng PAGASA, kabilang ang Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN at ARMM sa mga rehiyon na makararanas ng hanggang sa katamtamang pag-ulan na mayroong isolated thunderstorms ngayong araw.

 

Read more...