TNT, tinalo ang San Miguel sa Game 1 ng PBA Finals

 

PBA images/Inquirer.net

Bagamat nakaranas ng toe injury, hindi ito ininda ni Joshua Smith upang mapasakamay ng Talk N text ang pagkapanalo sa Game 1 ng PBA Commissioner’s Cup Finals sa Araneta Coliseum kagabi.

Tabla ang dalawang koponan sa iskor na 102-102 sa natitirang 7.6 seconds ng laro.

Dalawang segundo bago maubos ang oras, nagpakawala si Smith ng isang baby hook malapit sa 3-pointer line kung saan umikot pa ang bola sa ring bago ito pumasok.

Kahit iika-ika, napatakbo si Smith sa kabilang court dahil sa nararamdamang saya matapos maipanalo ang laro sa iskor na 104-102.

Nagtala ang manlalaro ng 21 points at nakakuha ng 9 rebounds.

Ayon naman kay Leo Austria ng Beermen, mas maghahanda sila at babantayang maigi si Smith sa game 2 na magaganap bukas ng gabi.

Read more...