AFP nagbabala vs scams na ginagamit ang Marawi incident

 

Binalaan ng Armed Forces of the Philippines ang publiko sa paglaganap ng scams na nananamantala sa sitwasyon sa Marawi para makalikom ng pera.

Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, mayroong mga napaulat na dumadami ang fundraising activities tulad ng benefit lunch at dinners para sa pamilya ng mga sundalo at evacuees sa Marawi.

Pinaalalahanan ni Padilla ang publiko na ang tanging otorisado sa pagtanggap ng mga donasyon para sa evacuees at pamilya ng mga sundalo na napatay sa Marawi ay ang dalawang bank account sa Land Bank of the Philippines.

Sakaling may matanggap na scam message ang publiko, hinihikayat ng AFP na agad ibigay ang detalye sa mga telcos tulad ng numero na ginamit ng scammers.

Sa ganitong paraan aniya ay kaagad na maba-block ang numero at hindi na maipagpatuloy ng scammers ang masamang gawain.

Samantala, sinabi ni Presidential spokesman Ernesto Abella na as of Tuesday, June 20, umabot na sa 508,500 pesos ang nalilikom na donasyon para sa pamilya ng mga napatay sa sundalo, habang nasa 187,500 pesos naman ang para sa Marawi evacuees.

Read more...