F-16 fighter jet nag-crash, piloto sugatan

 

Sugatan ang isang F-16 pilot makaraang masunog at tuluyang bumagsak ang pinalilipad nitong jet fighter sa Ellington airport sa Houston, Texas.

Agad na isinugod sa ospital ang hindi kinilalang pilot na miyembro ng Air National Guard ng Amerika matapos ang crash.

Dahil sa armado ng mga bomba at iba pang armas ang eroplano, ipinag-utos ang evacuation ng mga residenteng nakatira sa 4,000 meter radius ng crash site.

Hindi rin agad na nakalapit ang mga rumespondeng kagawad ng pamatay sunog dahil sa pangambang sumabog ang mga armas na karga ng F-16 fighter jet.

Inaalam pa ang dahilan ng jet fighter crash.

Read more...