Pera mula sa OFW’s hindi bubuwisan sa ilalim ng Proposed Tax Reform Program

 

Hindi kabilang ang mga ipapadalang pera ng mga Overseas Filipino Workers sa Enhanced Collection Measures sa ilalim ng Proposed Comprehensive Tax Reform Program (CTRP).

Nilinaw ni Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua na walang kapangyarihan ang gobyerno sa mga padala galing ibang bansa.

Ito ay sagot ni Chua sa mga maling report na papatawan umano ng buwis ang mga padala ng OFW’s ayon sa CTRP na nakasaad sa House Bill No. 5636.

Dagdag pa ni Chua, ang maaari lamang patawan ng buwis ng gobyerno ay ang mga lokal na padala.

Paglilinaw ni Chua na hindi naman ang mismong perang ipapadala ang may tax, ngunit ang papatawan ng Value Added Tax (VAT) ay ang transfer fees na pinababayaran ng mga remittance companies.

Sa ilalim ng mga batas ukol sa pagpapataw ng buwis, ang tax na nakukuha mula sa mga transfer fees ay hindi buong kinokolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ayon kay Chua, napagkasunduan ng mga eksperto na dahil hindi tuluyang exempted sa VAT ang transfer fees sa ilalim ng National Internal Revenue Code, ang mga transfer fees ay dapat patawan na lamang ng Consumption Tax.

Hindi naman aniyakailangang i-amend ang Tax Code para dito at ang revenue regulation lamang ang kailangan para ipaalala sa mga kumpanya na ang transfer fees sa mga lokal na pagpapadala at VAT-able.

Noong May 3, inaprubahan ng kongreso ang HB 5636 o ang Tax Refor Acceleration and Inclusion Act (train).

Sa ilalim ng nasabing House Bill, tatanggalin ang income tax ngunit dadagdagan naman ang mga excise tax sa piling produkto at lalakihan ang VAT base para mabalanse ang posibleng revenue loss.

Read more...