Anti-Distracted Driving Act, sisimulang ipatupad sa July 6

 

Nakatakda nang muling simulan ang implementasyon ng Revised Anti-Distracted Driving Act (ADDA) sa July 6.

Ito’y matapos na mailathala na ang Implementing Rules and Regulations ng naturang batas.

Sa ilalim ng nirebisang ADDA, ipinagbabawal pa rin ang paggamit ng cellphone o kahit anong uri ng gadget habang nagmamaneho.

Hindi pa rin pinapayagan sa ilalim ng batas ang paggamit ng mga gadget ng mga driver kahit nakahinto ang mga sasakyan.

Kinakailangan munang itabi ng mga driver ang kanilang mga sasakyan bago gumamit ng cellphone.

Maari namang gamitin ng mga driver ang hands-free function ng cellphone kung nais nitong tumanggap ng tawag habang nagmamaneho.

May itinalaga namang ‘safe zone’ o lugar sa dashboard ng sasakyan kung saan maaring ilagay ang mga communication at iba pang gadget upang hindi nakaharang sa ‘line of sight’ ng nagmamaneho.

Matatandaang noong May 23 sana ipatutupad ang batas ngunit sinuspinde ito dahil sa kalituhan sa mga bagay na ipinagbabawal sa dashboard at windshield ng mga sasakyan.

Read more...