Sa Mindanao Hour briefing, sinabi ni AFP Spokesperson Restituto Padilla na isang “opportunistic activity” ang ginawa ng BIFF.
Sinamantala aniya ng grupo ang pagkakataon lalo’t nakatutok ang pwersa ng gobyerno sa krisis sa Marawi City.
Subalit sa mabuting palad, ani Padilla, ay hindi nagtagumpay ang BIFF dahil bagama’t maraming kinakaharap na kalaban ang pamahalaan ay naikalat ng maayos ang tropa ng mga sundalo.
Itinanggi naman ni Padilla na kinalaman ang panghaharass ng BIFF sa Marawi City crisis.
Giit nito, hindi maiku-kunsiderang spill-over ng gulo sa mMrawi ang ginawang pananakot ng BIFF.
Aniya, isang maliit na grupo lamang ang BIFF at hindi singlaki ng Maute terror group.