29 na kaalyado umano ng Abu Sayyaf, inaresto sa Sulu

 

Nasa 29 na mga hinihinalang mga taga-suporta ng Abu Sayyaf Group ang inaresto ng puwersa ng gobyerno sa lalawigan ng Sulu.

Ayon sa militar, pinaniniwalaang mga kasapi ng Ajang-Ajang group ang mga naarestong mga suspek sa bayan ng Patikul.

Ang Ajang-Ajang group ay kaalyado umano ng Abu Sayyaf at nag-ooperate sa naturang lugar.

Apat sa mga suspek ang sinasabing sangkot sa kidnapping sa negosyanteng si Denery Tan noong June 2016 at pagpatay sa isang Lydia Julkanain noong May 30, 2017.

Ang buong Mindanao region ay nasa ilalim ng martial law bunga ng pagsalakay ng Maute terror group sa Marawi City.

Read more...