Batay sa section 1 ng EO #28, ang community firewroks display na lamang ang papahintulutan.
Ibig sabihin, sa isang tukoy na ligtas na lugar na lamang maisasagawa ang fireworks display sa tuwing may okasyon gaya ng pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon sa EO, maiuturing na kwalipikado sa community fireworks display kung gagawin ito bilang bahagi ng isang okasyon, selebrasyon, kompetisyon at iba pang kahalintulad na event. Kung ginawa ito sa ilalim ng superbisyon ng eksperto o bihasang indibidwal na duly licensed ng PNP at kung pinapayagan ito ng munisipalidad o lungsod na nakakasakop sa lugar na pagdarausan ng display.
Nanganguhulugan din na ipagbabawal na ang pagpapaputok gamit ang firecrackers o pyrotechnics sa mga bahay-bahay.
Paliwanag sa EO, layon nito na lumiit ang bilang ng mga nadadale o namamatay dahil sa paggamit ng mga paputok.
Nakasaad pa sa EO na inaatasan ang Philippine National Police o PNP, sa pakikipagtulungan sa DILG, DENR, DOH, Bureau of Fire Protections, para sa pagsasagawa ng public consultations at bubuuing implementing rules and regulations o IRR.