Ayon kay Police Supt. Juvenal Barbosa, assistant chief ng recruitment and selection division ng PNP directorate for personnel and records management, ito ay matapos aprubahan ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa ang naturang quota.
Sinabi ni Barbosa na sa 14,484 ay 10,000 pulis ang laan sa regular recruitment program ng PNP sa ilalim na rin ng General Appropriation Act.
Habang ang 4,484 ay para sa taunang pampuno sa mga pulis na namatay, nasibak o nagretiro.
Sinabi pa ni Barbosa, na bawal sa mga papasok na pulis ang mayroong tattoo sa katawan o mga deformities sa katawan.
Sasalang aniya sa mga pagsasanay at background check ang mga aplikante.
Sa ngayon, sinabi ni Barbosa na mayroon nang nakapasok sa PNP at gaganapin ang oath taking sa July 1.
Tatanggap aniya ng P17,000 ang mga PO1 na pulis bukod pa sa mga allowance.