Pre-trial kay dating PNP Chief Alan Purisima, muling kinansela ng Sandiganbayan

Inquirer File Photo

Naudlot na naman ang pre-trial sa kasong graft laban kay dating PNP Chief Alan Purisima.

Ito’y makaraang humingi ng karagdagang araw ang anti-graft court para sa pagmarka ng mga ebidensya.

Layon din nitong mabigyan ang magkabilang panig ng mas mahabang panahon upang markahan ang mga ebidensya sa naturang kaso.

Miyerkules ng umaga nang dumating si Purisima sa Sandiganbayan 6th division para sa pre-trial ng kanyang kaso.

Pero ipinagpaliban ang proseso at sa halip ay itinakda na lang ng korte ang pre-trial sa August 15.

Ang kaso ni Purisima ay nag-ugat sa maanomalyang kontrata ng gun license delivery na pinasok ng PNP sa Werfast noong 2011.

Hindi ito ang unang pagkakataon na kinansela ng korte ang pre-trial sa kaso ni Purisima na nauna nang ipinagpaliban noong January 10, April 18 at June 6.

 

Read more...