Ang nangyaring ‘glitch’ sa outstanding balance sa account ng mga kliyente ng Bank of the Philippine Islands (BPI) ay dahil sa pagkakamali ng isang programmer na nagmadali sa pagproseso ng mga transaksyon.
Sa pagdinig sa senado ay sinabi ni BPI Executive Vice President for Enterprise Services Ramon Jocson na minadali ng programmer ang pagproseso sa mga transaksyon bago ito nagpadala ng request mula sa kanyang supervisor.
Pero hindi kinilala ng BPI ang nagkamali nilang programmer na anila ay ni-reassign o inilipat sa ibang department habang iniimbestigahan ang naging problema.
Samantala, isinantabi naman ng BPI na ‘hacking’ ang dahilan ng processing error sa accounts ng kanilang mga kliyente.
Sinabi ni Jocson sa pagdinig na 100 percent na hindi hacking ang nangyari.
Sa nangyaring glitch noong nakaraang buwan, ilang BPI clients ang nagdoble ang withdrawal o deposit sa kanilang mga accounts.
Samantala, sa nasabi ring pagdinig, kinumpirma BDO Unibank na ilang automated teller machines (ATM) nila ang nakompromiso sa naganap na skimming scheme na kagagawan ng hindi pa kilalang mga suspek.
Sa Senate hearing ay sinabi ni BDO Unibank Executive Vice President and Transaction Banking Group Head Edwin Romualdo Reyes na tatlong magkahiwalay na ATM fraud ang nakaapekto sa pitong ATM sa tatlong lokasyon.
Ang bilang aniya ng nakompromisiong mga ATM ay nasa 0.2 percent ng 3,700 ATMs ng bdo sa buong bansa.
Pahayag ito ng BDO official sa gitna ng imbestigasyon kaugnay ng reklamo ng ilang kliyente ng bangko na mga unauthorized withdrawals sa kanilang mga accounts.
Imbestigasyon ng senado sa nangyaring computer glitch sa BPI inumpisahan na @dzIQ990 pic.twitter.com/NMhDGQ702r
— ruel perez (@iamruelperez) June 21, 2017
Tomas Mendoza, BDO's SVP transaction banking grp, gives demo how skimming in ATMs are done by fraudsters pic.twitter.com/l8rHiuZmS6 |@mj_uyINQ
— Inquirer (@inquirerdotnet) June 21, 2017