UPDATE: Isinara ang lahat ng exit at entry points sa isang gusali sa Eton Centris sa Quezon City.
Ito ay dahil sa isang gwardya na armado ng baril at nagkulong sa isang opisina sa Cyberpod.
Ayon sa mga otoridad, armado ng short firearm ang gwardya na nakilala kalaunan na si Herminigildo Marsula Jr.
May problema umano sa pamilya ang suspek at lango ito sa alak.
Dahil sa nasabing insidente, pinalibutan ng mga miyembro ng SWAT team at mga ambulansya ang nasabing gusali sa Eton Centris.
Hindi rin muna pinapasok sa gusali ang mga nagtatrabaho doon na karamihan ay call center agents.
Pasado alas otso ng umaga nang mailabas na ng mga kapwa niya security personnel ang nasabing lalaki mula sa gusali.
Samantala, pinawi naman ni Eleazar ang pangamba ng publiko matapos ang nasabing insidente.
Kung tutuusin aniya, hindi maitituring na lockdown ang naganap dahil maliit na bahagi lang ng cyberpod ang naapektuhan ng sitwasyon.
Breaking: Isinailalim sa lockdown ang isang gusali sa Eton Centris sa QC dahil sa armadong lalaki na nag-aamok sa loob | @jongmanlapaz pic.twitter.com/EP46KDWeFk
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) June 20, 2017
WATCH: Nasa loob pa ng Cyberpod One Bldg ang gwardyang armado | VIDEO: Jomar Piquero pic.twitter.com/XHsXLGzVsl
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) June 20, 2017
WATCH: Bantay sarado ng mga otoridad ang palibot ng Eton Centris | VIDEO: Jomar Piquero pic.twitter.com/b5gEUyXdZV
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) June 20, 2017