Duterte, tanggap na tumutulong ang US sa Marawi

 

Tanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang presensya ng mga Amerikano sa pagsugpo ng terorismo sa Marawi City at sa ilang bahagi ng Mindanao.

Matatandaang sa unang mga buwan ni Pangulong Duterte sa puwesto, makailang ulit nitong sinabi na hindi kailangan ng Pilipinas ang tulong ng Amerika at iginigiit na hindi dapat nakiki-alam ang ibang bansa sa sitwasyong panloob ng Pilipinas.

Sinabi pa noon ng pangulo na dapat na umalis na ng bansa ang mga foreign troops bago matapos ang kanyang termino bilang pangulo.

Ngunit ayon kay Presidential spokesman Ernesto Abella, tinanggap na ng pangulo ang sitwasyon sa ngayon.

Batid rin aniya ng pangulo na kailangan ng tulong ng mga sundalo ng gobyerno upang ganap na mapigil ang mga terorista sa Mindanao.

Kamakailan, kinumpirma ng AFP na may ilang US personnel ang nagbibigay ng ‘technical assistance’ sa kanilang hanay upang matapos na ang pamamayagpag ng Maute group sa Marawi City.

Read more...