Pumalag ang isang lola sa mga tauhan ng lokal na pamahalaan ng Maynila na nagsagawa ng clearing operations sa Roxas Boulevard Huwebes ng umaga para mapaalis ang mga informal settlers at illegal istraktura sa lugar. Pinangunahan ni Engr. Rogelio Legaspi, Asst. City Engineer for Operations ng Maynila ang clearing operations at nahirapan silang mapaalis si Lola na itinago sa pangalang “Lola Rose”. Si Lola Rose ay naglalatag lamang ng karton at tela sa Rocas Blvd. at doon natutulog gabi-gabi. Ayon kay Engr. Legaspi, dadalhin ang Lola at ang iba pang pamilya na nakatira sa Roxas Blvd. sa Paraiso ng Batang Maynila para doon bigyan ng kaukulang tulong batay na rin sa kautusan ni Manila Mayor Joseph Estrada. Hinakot na rin ng mga tauhan ng Manila City hall ang mga kubol at mga kariton ng mga informal settlers sa Roxas Blvd., binomba na rin ng tubig gamit ang mga fire trucks ang lugar para maalis ang masangsang na amoy dahil doon sa lugar na sila naliligo at doon na rin tinutugunan ang tawag ng kalikasan. Truck-truck na mga gamit ng mga informal settlers ang nahakot na ayon kay Engr. Legaspi, hindi na nila ibabalik ang mga gamit sa mga informal settlers para hindi na sila bumalik sa lugar. Naglagay na rin ng Pulis sa lugar para matiyak na hindi na babalik ang mga informal settlers sa kahabaan ng Roxas Blvd. Ang mga informal settlers umano ay dati ng napaalis sa pamamagitan ng pagpapadala sa kanila ng DSWD sa isang resort noong dumating ang Pope Francis sa bansa. Samantala, Ayon kay Engr. Legaspi, hanggang June 15 na lamang sa lugar ang ibang structure na nabigyan ng permit ng lungsod. Nais umano ng Manila City Government na tuluyang malinis ang mga kahabaan ang Roxas Blvd. para manumbalik ang ganda nito./Jong Manlapaz
Informal settlers sa Roxas Blvd., bawal
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...