6 years nga ba ang kulang sa residency ni Poe?

harry-roque
Inquirer.net file photo

Nagkaisa ang dalawang legal experts na sa petsa kung kailan tinalikuran ni Senator Grace Poe ang kaniyang US citizenship magsisimula ang bilang ng kaniyang residency sa Pilipinas.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Atty. Harry Roque na dahil 2010 lamang nirenounce ni Poe ang kaniyang US Citizenship noong siya ay maitalaga sa Movie Television Review and Classification Board (MTRCB), ay kulang pa siya ng 6 na taon sa residency requirement kapag nagdesisyon siyang tumakbo sa pagka-Pangulo sa 2016.

“Sa akin from the time of renouciation, doon ka pa lang magkakaroon ng residency kaya mas mahaba pa ang kinakailangan niyang panahon para tumakbong Presidente,” sinabi ni Roque.

Sinabi ni Roque na kahit mapatunayan pang natural born Filipino citizen si Poe dahil sa Jaro, Iloilo siya ipinanganak, hiwalay na requirement pa rin sa ilalim ng batas ang “residency” Kailangan aniyang matugunan ni Poe ang lahat ng requirements.

Ayon pa kaky Roque, kailangan ding matukoy kung nairehistro pa ni Poe ang kaniyang pagtalikod sa kaniyang pagiging citizen ng Amerika at kung anong petsa niya ito inirehistro.

Sa ilalim kasi ng dual citizen law, ang isang dual citizen na gustong tumakbo para sa isang public office ay nagkaroon ng renouncement ng kaniyang foriegn citizenship at dapat nairehistro ito.

Para naman kay dating University of the East (UE) College of Law Dean Amado Valdez, kung kailan nanumpa sa isang dokumento si Poe na nagsasabing nire-renounce na niya ang US Citizenship niya magsisimula ang kaniyang residency sa Pilipinas.

Mabigat aniyang ebidensya ang nilagdaan at pinanumpaang dokumento ni Poe.

“Sa hierarchy ng evidence, kung ano ang nakalagay sa pinirmahgan mo under oath iyon (ang mananaig), public document na yan eh, so totoo yun. Kulang pa rin siya (sa residency requirement), so she has to convince the court na ang intention niya noon is to reside na dito sa Pilipinas,” sinabi ni Valdez.

Dagdag pa ni Valdez na kung makararating sa korte ang isyu, ang dapat tukuyin ay kung kailan magsisimulang magbilang. Sa paglagda ba ni Poe sa kaniyang Certificate of Candidacy (COC) noong October 2012; noong bumalik ba siya sa Pilipinas noong 2005 at nagsimulang mag-aral dito ang kaniyang anak; noong ibinenta niya ang property niya sa US; o noong ni-renounce niya ang US Citizenship niya nang maupo sya sa MTRCB noong 2010./Dona Dominguez-Cargullo

Read more...