‘Hindi lahat ng nasa listahan ay suportado ang IS’-analyst

 

Hindi lahat ng nasa listahan ng Muslim groups ni Solicitor General Jose Calida ay kumakanlong sa Islamic State.

Ito ang pahayag ni chairman Rommel Banlaoi ng Philippine Institute for Peace, Violence, and Terrorism research.

Ani Banlaoi, kasama sa listahan ni Calida ang mapayapang ‘Balik-Islam Group’.

Nilinaw pa nito na ang Balik-Islam ay hindi talaga isang grupo, ngunit isang tawag na gamit upang tawagin ang mga lumipat sa Islam.

Hinimok niya na ayusin ni Calida ang kanyang listahan,at linawin kung bakit napasama ang Balik-Islam sa nasabing listahan.

Hindi itinanggi ni Banlaoi na may mga muslim converts na pumapanig sa ISIS, ngunit karamihan ng Balik-Islam ay mapayapa at demokratiko.

Napansin din Banlaoi na may mga ‘double entry’ na mga grupo sa listahan, tulad ng Abu Sayyaf at Al Harakatul Islamiyah battalion.

Aniya, Abu Sayyaf ang orihinal na pangalan ng Al Harakatul Islamiyah Battalion, kaya dapat isa lamang ang bilang sa nasabing grupo.

Ang Rajah Solaiman Islamic Movement naman, aniya ay hindi na aktibong grupo at naging Syiful Khilafa Luzon.

Ang parehong pangalan ay pawang magkahiwalay na nakalagay sa listahan ni calida.

Nababahala rin si Banlaoi sa pamamaraan ng pagkuha ng mga impormasyon dahil sa mga errors na kanyang nakita.

hindi naman itinanggi ni banlaoi na ang iba pang nasa listahan ni Calida ay may mga intensyong atakihin ang Mindanao sa pangalan ng ISIS.

Sinabi niya na ang mga grupong ito ay kabilang sa isang malaking grupo, ang Dawlat Al Islamiyah Waliyatul Masrik, na pawang nasa listahan din ni Calida.

Ang nasabing listahan ay kasama sa memorandum na isinumite ni Calida sa Supreme Court noong Lunes, june 19, para depensahan ang deklarasyon ng martial law ni Presidente Duterte.

 

Read more...