5 ‘persons of interest’ hinarang ng Coast Guard sa CDO

 

Pinigil ng Philippine Coast Guard- Northern Mindanao ang 5 ‘persons of interest’ sa Macabalan pier sa Cagayan de Oro City.

Una nang napansin ng mga port authorities na tila kabado ang limang kalalakihan nang papalapit sila sa x-ray machine ng daungan.

Lalo pang nagsuspetsya ang mga port authorities nang sabihin ng mga kalalakihan na sila ay mga misyonaryo papuntang Maynila, ngunit hindi naman nila masabi ang basic teachings ng Islam.

Nadiskubre rin na peke ang mga ID na ipinresenta ng lima.

Bagamat hindi sila kasama sa arrest order number 1 na inilabas ni Secretary Delfin Lorenzana, inaalam pa rin kung mga sympathizers ng maute group ang mga lalake.

Kinumpiska ang mga cellphones ng lima para sa imbestigasyon.

Nasa PCG Northern Mindanao headquarters ang limang kalalakihan habang inaalam ang kanilang mga tunay na pagkakakilanlan.

Sa ngayon, falsification of documents ang kasong inihahanda laban sa lima.

 

Read more...