Wala pang instruction mula sa pangulo ukol sa pagpapatigil ng peace talks, ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella.
Noong Linggo ng umaga, nilusob ng mga rebeldeng NPA ang police station sa Maasin, Iloilo, kung saan kinuha nila ang 11 assault rifles, 4 pistols, mga bala, at mga communications equipment.
Nangyari ang pagsalakay matapos magkaroon ng kasunduan ang gobyerno at National Democratic Front of the Philippines na nagrerepresenta sa mga komunista, kung saan titigil ang mga opensiba ng magkabilang pwersa sa Mindanao.
Ito ay kasunod ng pagdedeklara ng pangulo ng martial law dahil sa patuloy na nagaganap na sagupaan sa pagitan ng mga sundalo at Maute group sa Marawi City.
Ikinalulungkot ni Abella ang nagyaring pagsalakay ng mga NPA sa Maasin at inaasahan nila na magkaroon ng mas kongkretong pamamaraan ang NDF para sa pagpapatuloy ng peace talks.
