Nabatid na halos isang linggo nang bumubuhos ang malakas na pag-ulan sa nasabing bansa, na nagdulot na din ng serye ng mga landslide.
Ayon kay Reaz Ahmed, head ng disaster management department, kabilang sa mga nasawi ay isang mag-asawa at kanilang babaeng anak.
Nagta-trabaho aniya ang mag-asawa sa isang peanut farm nang matamaan sila ng kidlat.
Ayon naman sa mga experts, pinalala ng climate change ang matitinding kidlat na tumatama sa Bangladesh.
Isinisisi din ito sa deforestation at pagkawala ng matataas na mga puno gaya ng palm trees na nagsisilbing lightning conductors.
Daan-daan katao ang namamatay kada taon dahil sa lightning strikes na tumatama sa Bangladesh.