Team Pacquiao tutulak na sa Australia sa Sabado

Inquirer file photo

Live na mapapanood sa ESPN network ang paghaharap nina Manny Pacquiao at Australian boxer Jeff Horn.

Inilarawan ni ESPN President John Skipper ang nakatakdang laban nina Pacquiao at Horn bilang isang “significant moment” para sa network at sa boxing fans.

Batay sa isang ulat sa Los Angeles Times, ito ang kauna-unahang pagkakataon na maeere ang laban ni Pacquiao sa ESPN simula noong 2005.

Nakatakdang idepensa ni Pacman ang kanyang welterweight title sa Brisbane Suncorp Stadium sa July 2.

Halos lahat ng mga laban ni Pacquiao ay exclusive na ineere ng HBO, pero noong 2016, binitawan na ito ng nasabing network.

Samantala, kasalukuyang nag-eensayo si Pacman sa General Santos City, at inaasahang lilipad ito kasama ang kanyang team sa Australia sa darating na Sabado.

Read more...