Sinabi ng Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP-IAS) na tapos na sila sa kanilang imbestigasyon kay Supt. Lito Cabamongan.
Si Cabamongan ay dating pinuno ng Crime Laboratory satellite office sa Alabang ay hinuli ng mga otoridad noong March 30 habang nasa aktong gumagamit ng shabu.
Ayon kay Atty. Ma. Lyyberge Constantinopla, naisumite na nila kay PNP Chief Ronald Dela Rosa ang resulta ng kanilang imbestigasyon pati na rin ang kanilang rekomendasyon.
Pero tumanggi naman ang opisyal na ihayag ito sa publiko at hahayaan na lamang umano nila ang PNP Chief na magbigay ng detalte kaugnay nito.
Bukod sa pagiging positive sa paggamit ng droga ay lumabas rin sa isinagawang neuro-psychiatric test kay Cabamongan na ito ay dumaranas ng psychosis at maituturing na psychologically unfit.
Nauna na ring sinabi ni Dela Rosa na titiyakin niyang hindi na makakabalik sa pwesto ang mga pulis na mapapatunayang positibo sa paggamit ng illegal drugs.