Sinabi ni Joint Task Force Ranao Commander B/Gen. Ramiro Rey na may mga impormasyon silang natatanggap kaugnay sa pagkakaroon ng pagawaan ng droga sa loob ng conflict zone.
Kahapon ay umaabot sa halos ay 11 kilo ng shabu na may street value na P250 Million ang narekober ng mga otoridad sa pinaniniwalaang pinagtaguan ng mga miyembro ng Maute terror group.
Malaki rin ang hinala ng mga otoridad na bangag sa droga ang mga terorista na kanilang tinutugis sa kasalukuyan.
Pinag-aaralan rin ng AFP ang posibilidad na may mga narcopoliticians sa likod ng mga illegal drugs sa Marawi City.
Sa pinahuling bilang ng militrar, sinabi ni Rey na umaabot na sa 258 ang bilang ng mga Maute members na kanilang napapatay simula ng sumiklab ang gulo sa Marawi City may isang buwan na ang nakakaraan.