Ilang minuto ding nagpatupad ng limitadong operasyon ang Metro Rail Transit – 3 (MRT-3), Martes ng umaga, June 20.
Bago mag alas 7:00 ng umaga na kasagsagan ng rush hour at pagdagsa ng mga pasahero ng MRT, nilimitahan ang biyahe ng mga tren mula North Avenue hanggang Shaw Boulevard stations at pabalik.
Ayon kay MRT operations manager, Engineer Deo Manalo, basurang inihagis sa riles ng tren dahilan ng aberya.
Sumabit kasi umano sa power cables ng tren at kumalat ang nasabing mga basura sa riles.
Makalipas ang labinglimang minuto ay naibalik naman sa normal at full operations ang biyahe ng mga tren ng MRT.
Sinabi ni Manalo na ipinapahanap na niya kung mayroong CCTV footage na nakakuha ng pagtatapon ng basura.
WATCH: Mahabang pila sa MRT-3 dahil sa limitadong operasyon pic.twitter.com/mtWAI7vLRO
— Mark Makalalad (@MMakalaladINQ) June 19, 2017