Ito ay kasunod ng pagkalat na naman sa social media ng isang dokumento na nagsasaad ng planong pambobomba umano ng Maute sa NCR.
Sa nasabing dokumento na may letterhead ng Valenzuela Police Station at may titulong “Plan Bombing in Metro Manila” at may petsang June 16, 2017, nakasaad na mayroong mga miyembro ng Maute group ang nagtatangkang atakihin ang ilang mall sa Quezon City, elliptical road, Quiapo at Makati.
Kaugnay nito, hiniling ni NCRPO Chief Police Director Oscar Albayalde sa publiko na huwag nang ikalat sa social media ang nasabing dokumento.
Sa halip na agad ipasa sa social media, sinabi ni Albayalde na mas mabuting iparating muna sa PNP ang mga ganitong impormasyon para agad maimbestigahan at maberipika.
Ayon kay Albayalde, inatasan na niya si Northern Police District Director Bong Fajardo na imbestigahan ang proseso ng ‘document handling’ sa Valenzuela Police Station.
“Following this I have ordered the Northen Police District Director Bong Fajardo to investigate the document handling procedure at the Valenzuela Police Station,” ayon kay Albayalde.
Tiniyak naman ni Albayalde na ang mga ganitong impormasyon na ipinararating sa kanila ay hindi nila binabalewala at agad nilang iniimbestigahan.