Tangkang car bombing, sinisilip sa kotse na sumagasa mga police car sa Paris; driver patay

 

Pinaniniwalaang nabigo ang isang lalake na magsagawa ng isang ‘terror attack’, makaraang masawi ito sa proseso ng pagbangga ng kanyang sasakyan na may laman na pampasabog sa hanay ng mga police car sa Paris, France.

Sa inisyal na ulat mula sa mga otoridad, kinakitaan ng mga pampasabog at mga armas ang sasakyan ng hindi pa kinikilalalang suspek na namatay sa insidente.

Una rito, naalarma ang mga pulis at mga sibilyan nang ibangga ng suspek ang kanyang light-grey na kotse sa hilera ng mga police vehicles sa Champs-Elysees Avenue, Martes ng madaling-araw oras sa Pilipinas.

Matapos ito, agad na nagliyab ang light-grey na sedan na kinalulunan ng suspek.

Bagamat nagliyab, hindi ganap na sumabog ang kotse na agad na ginamitan ng fire extinguisher ng mga otoridad upang maapula ang apoy at makuha ang driver.

Nang siyasatin ang loob ng sasakyan, nakita sa loob ang ilang tangke ng gasolina, AK-47 machine gun at mga pistola.

Agad namang isinara ng mga otoridad ang malaking bahagi ng Champs-Elysees avenue dahil sa insidente.

Patuloy na iniimbestigahan ng anti-counter terrorism task force ang hinihinalang naudlot na terror attack.

Read more...