Naapektuhan ng ‘localized card skimming attack’ ang Banco De Oro kaya’t nagkaroon ng problema ang ilang depositors ng naturang bangko sa paggamit ng kanilang mga ATM cards.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ito ang sanhi ng mga nagkaaberyang ATM ng Banco De Oro.
Maalalang noong nakaraang Biyernes, may ilang mga BDO account holders ang nagreport na nagkaroon ng unauthorized withdrawals ang kanilang mga bank account.
Hinikayat ng BDO ang mga apektadong customers na magreport kaagad sa pinakamalapit na bangko, para agarang maimbestigahan at maibalik ang kanilang mga nabawasang savings.
Ayon sa BSP, masusi nilang minomonitor ang ‘skimming hack’ sa BDO na naganap matapos ang internal data processing error sa ilang accounts naman ng Bank of the Philippine Islands (BPI).
Iginiit ng BSP na magkaiba ang nangyari sa BDO at BPI.