Ayon kay Lt. Col. Jo-ar Herrera, spokesperson ng Joint Task Force Marawi, nasa 257 na mga Maute members na ang napatay ng tropa ng gobyerno.
Humihina na aniya ang kakayahan ng local terrorist group dahil paubos na umano ang mga bala nila.
Pero sinabi ni Herrera na hanggang ngayon ay mayroong 400 pang mga sibiliyan ang na-trap sa war zone at nasa 100 sa kanila ang ginagamit na human shield ng mga rebelde.
Sa ngayon aniya ay iiwasan na ng militar na maglunsad ng air strike sa posisyon ng non-combatants bagkus ay magsasagawa sila ng close combat sa Maute members.
Nagpasalamat naman si Herrera sa tulong ng publiko partikular ang pagpapadala ng mga supply, pagkain at sulat sa mga sundalo.