Kinontra ng proseksuyon ang motion to travel ni Ejercito sa rasong “dispensable” ang biyahe ni Ejercito, maliban pa sa walang detalye sa mosyon ukol sa lugar kung saang lugar sa France mananatili ang mambabatas.
Gayunman sa pasya ng korte, pinagbigyan nito ang mosyon ni Ejercito na makabiyahe patungong France para sa isang interparliamentary visit simula June 25 hanggang July 3.
Pinagsusumite naman si Ejercito ng mga kinakailangang dokumento, kabilang na ang travel authority mula kay Senate President Koko Pimentel at ang official itinerary ng senador.
Si Ejercito ay nahaharap sa kasong technical malversation kaugnay sa umano’y kwestiyonableng pagbili ng matataas na kalibre ng mga armas sa halagang P2.1 million, gamit ang calamity fund, noong siya ay alkalde pa ng San Juan City.
Lunes ng umaga, personal na dumating si Ejercito sa pagdinig ng anti-graft court sa kanyang kasong technical malversation.
Pero naudlot naman ang pagdinig ng Sandiganbayan at sa halip ay itinakda na lamang sa August 7 dahil hindi pa nareresolba ang inihain ni Ejercito na demurrer to evidence o mosyong i-dismiss ang kaso sa katwirang walang sapat na ebidensya.
Matatandaang na ibinasura ng Sandiganbayan 5th division ang graft case ni Ejercito, kaugnay pa rin sa nabanggit na akusasyon.