Mga ‘Rizalista’ ginunita ang ika-156 na kaarawan ni Jose Rizal

INQUIRER PHOTO | Marianne Bermudez

Nagtipon-tipon sa Rizal Park sa Mayila ang mga ‘Rizalista’ para gunitain ang ika-isangdaan at limampu’t anim na kaarawan ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.

Bitbit ang malaking watawat, nakabarong ang mga lalaki at naka-Filipiniana naman ang mga babae nang magsagawa sila ng maiksing programa.

Sinimulan ang programa sa pag-awit ng Lupang Hinirang.

Samantala, dinaluhan naman ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang programa sa Calamba, Laguna para sa paggunita ng kaarawan ni Gat Jose Rizal.

Wala ring pasok ngayon sa buong lalawigan ng Laguna dahil idineklara ang holiday sa probinsya ngayong araw.

Sa Rizal Park sa Davao City, mayroon ding programa para gunitain Birth Anniversary ng pambansang bayani.

 

 

 

Read more...